Wednesday, October 27, 2004

Take My Soul

I hate love.

Tangina bakit kasi pag nagmahal ka ipusta mo pa ang kaluluwa mo kay Satanas sigurado masasaktan ka. Bwiset.

I hate love and I hate it that I love him.

Directly proportional ang intensity of the joy and pain na mararamdaman mo pag nagmahal ka.

Pakshet, now I have to blog about this.


Monday, October 25, 2004

Ok Fine

One day a friend emailed me, "Pwede ba minsan hindi naman tungkol sa kanya ang blog mo?"

Ok fine. Nyeta.

Eh sa yun ang trip ko isulat eh, care mo ba. Blog ko kaya to, last time I checked di sayo. Kung ayaw mong basahin, pwes wag. Saka di ba masarap magsulat pag asar ka...feeling mo ang dami dami mong pwedeng sabihin (na hindi mo kayang sabihin pag kaharap mo sya).

O sige...ibang topic tayo. Ano ba trip nyo? Warning lang, I don't do politics, it makes me gag. Reviews? Biased akong tao. Hmmm...where does that leave us?

Ka-ching!

Magaling akong manlait. Sabi nga ni soulmate Jeff, unahan lang yan. It's either you or them, might as well be them di ba. Coming from somebody who can compete with a refrigerator in terms of girth and food storage capacity, I think he has a point.

Panlalait can be both a skill and an art. When you're really feeling as if the world conspired to make you feel like such a maggot, it can save your life. Lambasting others to death makes me feel better. I know, don't say it, its bad. Atone for your sins by using organic products not tested on animals, and eat vegemeat for a week.

So you might ask, ano ba favorite naming "pansinin"? Here are some of my favorites:

  • Call center speak. No offense to people who work at call centers ha...since my sister is one of them. And what I'm talking about isn't necessarily exclusive to call center people, kasi you can find them everywhere. Anyway, ito yung mga pa-cute magsalita ng English, pinipilit magkaron ng American accent. My sister was telling me about this girl who was making tambay at Starbak with her friends. "Guys, let's watch Kill Vill ha. Labas na yung Bolume 2 eh." With matching tabingi ng bibig for maximum effect. Maximum din ang effect ng irritation for me.

NOTE to these guys who think they're earning muchos: Don't waste your precious hard-earned money at these coffee shops just to say you've been there. Go invest in a health care insurance since at the rate of sleep you're all having, you're gonna need it real bad in the not too distant future. Wag na ring gumimik sa mga "cool" places. Tulog na lang kayo. It's not worth it. And I really need to say this, hindi malaki ang 15 thou a month.

  • FGLG/FGLT members. Yep, yung mga Feeling Gwapo Looking Gago/Feeling Ganda Looking Tanga. Ito yung mga thinking they're God's gift to mankind. Nakakita ka na ba ng mga tipong (according to my friend) "panget na successful"? Ya know, they drive a car, they wear expensive clothes, has the latest gadgets. Pero manash, wiz magkakatugma ang mga carry nila. Hindi talaga! Kahit anong sampay nila ng ginto sa mga bodies nila, they only manage to look like they just went home from Saudi. Chunky ang kanilang theme. Ok lang naman sana eh, kung pa-humble effect man lang. Aba hindi, most of the time ang mga TH na ito ay punong-puno ng attitude problem. Sometimes, there is that rare chance na they are actually pleasant to look at, pero naman, hintayin mong magsalita! Parang gusto mong lagyan ng karatula sa noo na SPACE AVAILABLE. Talaga lang, baka nga hindi nila kayang i-spell out ang word na "available" noh!

Saka na lang ulit yung iba...pagod na ko eh. Ayan ha, hindi na sya ang topic natin.

Friday, October 22, 2004

On that Four-Letter Word

"When you find someone you can love, you can't let it get away..."
-- The Wedding Singer


"Love is a form of hysteria. Fortunately, it always passes. "
- Jessica Zafra


"Have you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up. You build up all these defenses, you build up a whole suit of armor, so that nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life...You give them a piece of you. They didn't ask for it. They did something dumb one day, like kiss you or smile at you, and then your life isn't your own anymore. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so simple a phrase like 'maybe we should be just friends' turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It's a soul-hurt, a real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love."
-- Neil Gaiman


"Putanginang pagmamahal yan!"
-- Chanda Romero, "Ligaya ang Itawag mo sa Akin"


Thursday, October 21, 2004

Lemme sleep and bugger off

futah inaantok talaga ako! pag pumikit ako lilipad ang malay ko at paggising ko ako na lang mag isa dito sa building. ni wala na kong energy para tumayo, kunin ang bag ko, lumabas sa karsada at pumara ng taxi. yun eh kung may pera ako. pero since nagpalista lang ako kanina sa dungeon eh malamang lamang nito na bus lang ako.

bakit ba kasi ako pinanganak na mahirap, tuloy di ako makaafford ng 2-bedroom condo unit sa harap ng office. yung anytime inantok ka pwede ka bumatsi sandali, lalo na sa tanghali.

ano ba malalaglag na mata ko.

so heniwey, yun nga, hinang hina na ko sa antok. pagdating ko naman sa bahay di na ko makatulog. marami pa kasi akong seremonyas bago mahiga hanggang sa tuluyan nang mawala ang antok ko. so makikinig muna ko ng iPod, magbabasa, magmumuni muni, baka sakaling mapagod ang mata at tuluyan na kong kunin ng tulog.

eh ang bedtime reading ko naman eh yung tipong Angels and Demons, o kaya TIME magazine. syempre maaaliw na ko sa binabasa ko at ayoko nang matulog. kaya puyat na naman ako. cycle lang yan.

naaalala ko tuloy si grinch, pag lumagpas ng 10pm puyat na daw sya at magagalit na sya sa kin. heller??? 10pm puyat na? eh anong tawag mo sa kin pag natutulog ako ng 3am? hindi talaga kami bagay.

hay naku, o sya...pwede na kong bumatsi ng walang pag iimbot at buong katapatan -- 4:42 na.

babush!!!

Wednesday, October 20, 2004

Loony Letters

Dear Hang Ten,

Please remove your billboards with your male model on it. He looks like a Gremlin with abs. Plus my friends and I think he's gay.

Sincerely,
A Katipunan commuter


--------------------

Dear Regine,

Please stop speaking English with an American accent. It's just not you. I am forever your fan and I would not care one little bit if you spoke plain English.

Love,
Yo Wazzup


--------------------


Dear Carlos,

Come out of the closet, sister. You stink.

R. Padilla

Tuesday, October 19, 2004

Some Things are Just Good to Look At

Bakit nga ba...kala mo swerte ka na. Kala mo naka-jackpot ka kasi maraming nagkakacrush sa kanya. Na mabait sya. Na love ka nya. PAKSHET!!! What was I thinking?

Ito na siguro ang qualified for the "STUPIDEST THING I'VE EVER DONE" pag may jologs na magpapa fill up sa kin ng slam book ngayon. Remember them? Ito yung nabibili sa bookstore (or pagpapaguran mong isulat isa isa kasi mahirap ka lang) na ala-biodata sa mga questions. Gusto ko nga dati i-rename to ng "Biodata and Beyond" kasi bukod sa basics (asl) eh marami pa syang makabuluhang tanong tulad ng "What is Love?" at sasagutin mo naman ng equally profound na "Love is Love by Culture Club." Di ba naman, san ka pa. Mas matindi ang kakulangan mo sa nutrients mas enjoy basahin ang entries. Lalo na sa Dedication part (sometimes spelled as D-D-K-Tion)...maraming pamatay. Some classic examples:

"Thank you for giving me the space to write upon."

"Dear Chuva, Godspeed! God Bless! Stay as sweet as you are! Jazz me, Eklavu"

"Blah blah blah...gotta park my pen. "

"JAPAN = Just Always Pray At Night"

"ITALY = I Trust and Love You"

Marami pa to eh, di ko lang maalala ngayon. Pag pinaikot mo ang slambook mo na medyo patapos na ang schoolyear may karapatan ka nang manghingi ng picture sa mga gusto mong mag fill up.

(SIDE NOTE: Don't ever use the phrase "fill up" when talking to non-Filipinos in English, especially the American and the English people. They misunderstand it to be "feel up," which is not very nice especially in a professional environment. Use "fill in" instead.)

Especially pag ang crush mo ay classmate mo lang, may excuse ka nang magkaron ng 1x1 nya na sasambahin mo gabi gabi at pag walang nakatingin. Tapos itatago mo ng maigi, minsan naka album pa. Lilipas ang matagal na panahon, isang araw mabubuklat mo ang album, at makikita mo ang picture nya. Una, pipilitin mo pang matandaan kung anong pangalan nya at saan mo sya naging kaibigan. Tapos biglang sasabat ang kapatid mong bruha, "Ate di ba yan yung crush mo dati na patay na patay ka?" Tapos tatawa ng malakas. Tititigan mo ulit ng matindi ang kupas na 1x1. PAKSHET! What were you thinking???

Tuesday, October 12, 2004

Waiting in vain

if he's not here in the next 15 minutes i am definitely leaving. how dare he do this to me. ang kapal nya ha...paghintayin daw ba ko. ito pa naman ang pinaka hate ko, ang maghintay. admittedly, he doesn't do this very often. but just leaving without a word! humanda talaga sya aahitin ko ang kilay nya. pag wala akong nakita ni anino nya, i am not talking to him for the rest of the week, nyeta sya. aaarrrggghhh!!! naiinis talaga ko.

natetense tuloy ako, gusto kong magrelease ng stress. ano kaya ang pwedeng basagin sa paligid? hmmmmm....flower vase? wag, di sa kin yun. baso kaya...baka pagbayarin ako ng caf. pagmumukha nya na lang mamaya, kung magpapakita pa sya.

dammit, he better make this up to me. titirisin ko talaga ang ungas na yun bukas. ayan ha, nag alarm na ko para alam ko kung 15 minutes na. ako naman ang mag wowalk out para alam nya feeling ng winowalk outan. ayoko na, uuwi na ko. wala na ko sa mood makipag kita sa kanya tonight. maiinis lang ako the whole night. tadyakan ko kaya ng isang beses para madala. nakakangitngit!

hindi ako war freak pero minsan lang ako magalit. saka matagal mawala ang galit ko. di pa naman ako nadadala sa sorry, di na mauulit chuva chuva. gusto ko nakikita ko syang nagsasuffer dahil sa ginawa nyang kasalanan. i know its bad, but that's me. i was born that way. pilitin ko mang ngumiti at sabihing napatawad ko na sya, deep inside me galit pa rin ako.

kaya letse sya, pagbabayaran nya to.

Friday, October 08, 2004

He's so bwiset

ano ba yan, malapit na kong marindi. magkakalkal ng cellphone ko, tapos pag may nakita sasama ang loob. pag tinanong mo kung bakit, sasabihin wala. nyeta talaga. sya ata ang girl sa relationship na itich! malapit ko na syang hindi kayanin! kagabi naman sa mcdo, nag attempt mag walk out ang hitad. di kaya bading yun? mas marami pa syang alam sa kin na mga ka-eklavushan.

hay naku, minsan naman may mabanggit ka lang na pangalan ng ibang lalaki na medyo hindi nya type, totopakin na yan. tatahimik na yan tapos titingin sa malayo, naka ismid pa. ano ba naman, ngayon lang ako nakasalamuha ng ganito. as in I have to let him know where am i every hour on the hour. as in, promise. minsan najojologan na ko sa mga pinaggagawa ko talaga. eto pa, ihahatid ako nun, pero hindi para masigurong safe and sound akong makakarating sa bahay namin, kundi para sure na sure sya na sa bahay ako dumiretso at hindi kung saang lakwatshan! yes mga kapatid, ganyan po sya katindi. oplok talaga.

minsan naman, ni hindi ka makabunot ng cellphone kasi pag text ka ng text at kasama mo sya, sasama na naman ang loob. pag narinig nya ang message alert tone ko, babanat na yan ng "o sagutin mo na yan, magkita na daw kayo." nakuuuuu, talaga lang...nakakapanggigil. eto pa nga ang matindi eh, miss universe ba ko para magkandarapa ang mga boylets na i-date ako? last time i checked, hindi ako si dayanara. kunsabagay, si dayanara nga iniiwan pa ng asawa...

in fairness, nahuli nya ko minsan nagsinungaling. pero yun na yun at nag sorry na ko. tinanggap naman nya...so ano pa ba? i always try to stand by my word. i can look him straight in the eye at sabihing never na ko ulit nagsinungaling sa kanya. naman...eh sya nga tong...naku wag na lang at sasama lang lalo loob ko.

yung mga peminista dyan, bago nyo sabihing hiwalayan ko na chuva chuva at wala akong mahihita...it's not as bad as it sounds. he's ok most of the time. pag tinotopak nga lang masasakal mo talaga, pero so far hanggang ganyan ganyan lang sya. at hindi ako martir, pag di na ko masaya aalis ako. sabi ko nga dun magpa-therapy na kasi baka schizoprenia na yun, baka sobrang mild pa lang. kasi minsan he confesses what he's thinking about, aba, may future sya sa scriptwriting at screenplay (kung may pagkakaiba man ang dalawa). kahit ako naa-amaze sa takbo ng utak nya. example lang ha, nabanggit ko lang na someday balak kong mag-apply sa this organization, aba ang futah nalulungkot na agad at magkakahiwalay daw kami. o di ba, ma-eklat syang sobra. sarap na nyang jombagin minsan.

ngayon nga napika na rin ako, di ko rin kinakausap. bahala sya, weekend pa naman. kainissss...i so fucking hate it when he's like this. do you think he needs help?